Pitong tripulante na nasawi sa banggaan ng US ship at Philippine-flagged ship, nakilala na

Nakilala na ng US Navy ang pitong tripulante ng USS Fitzgerald na nasawi matapos makabanggaan ang Philippine-flagged cargo ship noong Sabado sa karagatang sakop ng Japan.

Sa inilabas na statement ng 7th Fleet, ang mga nasawi ay sina:

Gunner’s Mate Seaman Dakota Kyle Rigsby
Yeoman 3rd Class Shingo Alexander Douglass
Sonar Technician 3rd Class Ngoc T. Truong Huynh
Gunner’s Mate 2nd Class Noe Hernandez
Fire Controlman 2nd Class Carlos Victor Ganzon Sibayan
Personnel Specialist 1st Class Xavier Alec Martin
at Fire Controlman 1st Class Gary Leo Rehm Jr.

Noong Sabado, nakabanggaan ng USS Fitzgerald ang Philippine-flagged ACX Crystal sa Yokosuka.

Unang napaulat na nawawala ang pitong nabanggit na tripulante pero kalaunan ay natagpuan ang kanilang mga labi sa compartment ng barko.

Batay sa datos na nakuha mula sa automatic tracking system, patungo sa Tokyo Bay ang Philippine-flagged ship nang ito ay umikot.

Wala namang napaulat na sugatan o nawawala mula sa ACX Crystal ayon sa Japan Coast Guard.

 

 

 

Read more...