(BREAKING) Van inararo ang mga taong naglalakad sa kalsada sa London

(UPDATE) Isang van ang nanagasa ng mga taong naglalakad sa kalsada malapit sa isang park sa London.

Sa inisyal na ulat mula sa Reuters Today, sinasabing katatapos lamang magdasal ng karamihan sa mga biktima sa Finsburry Park mosque nang sila ay araruhin ng van.

Naganap ang kasi insidente sa bahagi ng Seven Sisters Road malapit lamang sa mosque.

Sa tweet ng Metropolitan Police ng UK, sinabi nitong may mga naitalang ‘casualties’ sa nasabing insidente.

Isa rin ang kumpirmadong inaresto.

Dahil sa insidente, isinara ang northbound lane ng Seven Sisters Road.

Ang London Ambulance Service naman ay agad nagpadala ng mga staff at ambulansya sa lugar.

Samantala, sa statement ng U.K. Muslim Council of Britain, inabisuhan umano sila na inararo ng van ang kanilang ‘worshippers’ habang palabas ng local mosque.

Katatapos lamang umano ng midnight prayers ng mga biktma mula sa nasabing mosque.

 

 

Read more...