Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, sa nagpapatuloy na clearing operations ng mga sundalo, may nakuha silang mga shabu sa isa sa mga lugar na pinagkutaan ng teroristang grupo.
Hinala ni Padilla, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga terorista para manatiling gising sa gabi at hindi makaramdam ng pagod.
Patuloy pa ang paghalughog ng pwersa ng pamahalaan sa mga lugar sa Marawi.
Nananatili sa apat na barangay ang itinuturing nilang problematic areas.
Noong nakaraang taon, nang mapasok ng mga otoridad ang Butig, Lanao del Sur na unang kinubkob ng Maute ay nakakuha din ng shabu ang AFP.