Mga liham ng pasasalamat at medyas, handog para sa mga sundalong lumalaban sa Marawi

Marianne Bermudez/Inquirer

Bumubuhos ang mga liham ng pasasalamat ng mga mag-aaral mula sa Metro Manila para sa mga sundalong lumalaban kontra Maute terror group sa Marawi City.

Sa pinakahuling tala, nasa mahigit 2,000 piraso na ng mga liham at mahigit 600 pares ng medyas at underwear ang tinanggap ng isang doktor na nagsimula ng isang Facebook campaign upang suportahan ang pangangailangan ng mga sundalo.

Sa ilalim ng ‘Oplan Malasakit’ na sinimulan ni Dr. Tiger Garrido noong June 12, layon nito na bigyan ng pahalaga at purihin ang mga ginagawang sakripisyo ng mga sundalo na lumalaban sa teroristang grupo.

Samantala, nang malaman naman ng guro na si Rinz Araneta ang ginagawa ng doktor, ito naman ang gumawa ng hakbang upang himukin ang mga mag-aaral ng PAREF Woodrose School, De La Salle Santiago Zobel School sa Muntinlupa City, Veritas Catholic School sa Parañaque City at Culiat Elementary School sa Quezon City na gumawa ng mga liham ng pasasalamat para sa mga sundalo.

Ang mga liham at medyas ay nakatakdang dalhin sa Marawi ngayong linggo para sa mga sundalo.

Read more...