Dagdag na tropa ng militar, ipinadala sa Marawi

 

Mula sa inquirer.net

Nagpadala pa ng karagdagang puwersa ng militar sa Marawi City upang pulbusin ang natitirang miyembro ng Maute group sa lungsod.

Nitong Sabado, ipinadala ang 82nd Infantry Battallion mula Iloilo City upang idagdag sa naunang puwersa ng militar na lumalaban sa teroristang grupo.

Una rito, tinanggihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang hiling ng ilang Maranao religious at political leaders na sila’y mamagitan upang matigil ang kaguluhan sa Marawi.

Giit ng pangulo, wala siyang planong makipagnegosasyon dahil marami nang sundalo at pulis ang nalagas.

Huli na rin aniya ang lahat para sa negosasyon dahil determinado ang mga terorista na lumaban hanggang sa kamatayan.

Gayunman, kung nais aniya ng mga Maranao leaders na makipag-usap sa mga terroristaq ay hindi niya ito maaring pigilan.

Read more...