Itinuuring rin na isang malaking trahedya ng Portugal ang insidente sa nakalipas na mga taon.
Karamihan sa mga biktima ay nasawi habang lulan ng kanilang mga sasakyan at nagtatangkang tumakas mula sa naglalagablab na apoy.
Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nagmula ang forest fire sa tama ng kidlat sa isa sa mga punong-kahoy na mabilis na kumalat sa ektar-ektaryang kagubatan.
Ayon kay Portugal Interior Minister Jorge Gomes, nasa 60 ang nasawi sanhi ng smoke inhalation samantalang ang dalawa ay namatay sa isang vehicular accident na resulta ng sunog.
Nasa 54 naman ang nasaktan sanhi ng forest fire.
Ang sunog, na nagsimula araw ng Sabado, ay kinukunsidera ngayon bilang ‘deadliest forest fire’ sa Portugal.
Nakararanas ng severe heatwave ang Portugal, kung saan nasa 40 degrees Celsius ang temperatura sa maraming rehiyon.
Sinabi naman ni Portugal Prime Minister Antonio Costa, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.