Indonesian fighter jets, idineploy sa North Borneo kontra sa tumatakas na Maute terrorists

 

Nag-deploy na ng mga fighter jets ang Indonesia sa bahagi ng North Borneo upang pigilin ang posibilidad na tumakas ang mga miyembro ng Maute terror group na nagtangkang kumubkob sa Marawi City at magtago sa kanilang nasasakupan.

Inilagay ang tatlong Sukhoi fighter planes sa air force base sa bayan ng Takaran sa North Kalimantan, Borneo bilang dagdag seguridad sa naturang lugar.

Ayon sa isang Indonesian colonel, may posibilidad na tumakas sa karagatan ang mga teroristang grupo na nasa Mindanao at magtago sa Indonesia kaya’t agad nila itong pipigilan.

Ngayong araw, inaasahang magpupulong ang mga defense chief ng bansang Indonesia, Malaysia at PIlipinas sa Takaran upang pasinayaan ang pagsisimula ng pagpapatrulya sa karagatang sakop ng tatlong bansa.

Inaasahang magiging bahagi rin ng usapan ng mga opisyal ng tatlong bansa ang sitwasyon sa Marawi City at ang banta ng terorismo at pamimirata sa naturang lugar.

Read more...