Ito ang naging pahayag ni Mayweather sa kabila ng muling pagsabak niya sa boxing ring kahit pa nagretiro na siya pagboboksing.
Sa isang panayam, sinabi ni Mayweather na ibibigay lamang niya ang laban na gustong makita ng publiko at matagal nang hinihiling.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Mayweather matapos ianunsiyo ang kanilang nakatakdang paghaharap ni McGregor noong nakaraang Miyerkules.
Magaganap ang Mayweather-McGregor fight sa August 26, sa Las Vegas.
Matatandaang inanunsiyo ng American boxing legend ang kanyang pagreretiro noong September 2015 matapos niyang talunin si Andre Berto.
Sakaling matalo ni Mayweather si McGregor, maaabot na niya ang 50-0 career milestone.
Samantala, ibinahagi ni Mayweather na masayang nagkasundo ang dalawang panig ukol sa presyo ng kanilang laban ni McGregor.
Una nang napaulat na naglalaro sa 2,013 dollars o P99,643 hanggang 93,609 dollars o P4.63 million ang presyo ng ticket sa naturang laban.