Followers ni Katy Perry sa Twitter, pumalo na sa 100 million

Gumawa ng kasaysayan ang Pop superstar na si Katy Perry sa social media matapos umani ng isandaang milyon na followers sa Twitter.

Sa isang pahayag, sinabi ng Twitter na si Katy ang kauna-unahang user na umabot sa 100 million ang followers.

Gamit ang hashtags na #WITNESS at #LoveKaty, binati ng pamunuan ng Twitter ang hollywood popstar.

Kamakailan ay ibinahagi ni Katy sa kanyang fans ang ginagawa niya araw-araw sa pamamagitan ng isang live stream sa loob ng 96 hours.

Samantala, pumangalawa sa may pinakamaraming followers sa Twitter si Justin Bieber na umabot sa 97 million habang pangatlo naman si Taylor Swift na mayroong 85 million followers.

Read more...