Ayon sa US Navy, nakita ang mga bangkay sa “flooded compartment” ng Navy destroyer.
Ang mga labi ng mga biktima ay dinala na sa Naval Hospital Yokosuka, kung saan aalamin ang kanilang pagkakakilanlan.
Ino-notify din ang mga kaanak ng mga biktima, at bibigyan ng nararapat na suporta.
Ilalabas ang listahan ng mga namatay sa oras na matapos ang notifications sa mga kapamilya.
Maliban sa pitong nasawi, dalawa ang naitalang sugatan.
Matatandaan na bumangga ang USS Fitzgerald sa merchant ship na ACX Crystal sa timog na bahagi ng Tokyo Bay, sa Japan.
Agad na umasiste ang Japanese Coast Guard sa paghahanap sa mga nawawalang US sailors.
Sinabi ng Japanese Coast Guard na dahil sa insidente, pinasok ng tubig dagat ang US ship at bumaha na sa loob ng barko.