3 patay sa Bogota shopping mall blast

Tatlong katao ang nasawi habang siyam ang sugatan sa pagsabog sa Centro Andino shopping center sa Bogota, Colombia.

Ayon kay Bogota Mayor Enrique Penalosa, isang terrorist attack ang pagsabog.

Sinabi ni Penalosa na kabilang sa nasawi ang isang bente-tres anyos na French woman.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, ang pagsabog ay naganap sa toilet room ng mga babae sa ikalawang palapag ng mall.

Nagpahayag na ng pakikiramay si Colombian President Juan Manuel Santos mga biktima at kanilang mga kaanak.

Ini-utos na rin ni Santos ang malalimang imbestigasyon sa pagsabog.

 

Read more...