AFP, target ang mas maraming pag-aresto sa martial law sa Mindanao

Titingnan ng awtoridad ang mas maraming pag-aresto kasunod ng nagpapatuloy na implementasyon ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command deputy chief Brig. Gen. Gilbert Gapay, asahan ang mas pinaigting na tracking at monitoring upang matugis ang 300 personalidad sa arrest order na inilabas ni Department of National Defense Secretary at martial law administrator Delfin Lorenzana.

Akusado ang mga naturang personalidad sa kasong rebelyon sa ilalim ng Article 134 ng Revised Penal Code nang maghasik ng gulo sa Marawi City.

Kasapi ang mga ito ng Maute group, Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Maguid group.

Samantala, sinabi ni Gapay na nakapagtalaga na ng 10,000 checkpoints sa silangang bahagi ng Mindanao kasama ang 106 security operations upang mabantayan ang ilang imprastraktura.

Maliban dito, mayroon rin aniyang 3,628 informant networks para makakuha ng impormasyon laban sa mga terorista.

Read more...