Pamahalaan, sinisimulan na ang paghahanda sa pagsasaayos sa Marawi

Sinisimulan na ng gobyerno ang pagahahanda nito sa pagsasaayos ng Marawi City ayon kay Brigadier General Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya kapag tuluyan ng matapos ang kaguluhan sa Marawi ay magpapasok na sila ng assessment team para suriin ang pinsala at mga kakailanganin sa muling pagsasaayos ng Marawi.

Matatandaang May 23 ng nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng Maute group.

Umaabot nasa 300,000 katao ang mga nagsilikas kaugnay ng naturang bakbakan.

Nasa limang porsiyento lang mga nasilikas ang nasa mga evacuation centers habang ang 95 porsiyento naman ang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Read more...