Quirino hostage crisis ginunita ng mga Buddhist monks sa Maynila

11949522_892494074150485_604827255_n(1)
Kuha ni Ruel Perez

Pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada at mga Buddhist monks na mula sa HongKong ang paggunita sa Quirino Hostage crisis na naganap noong August 23, 2010.

Nag-alay ng panalangin ang mga Buddhist monks na sinaksihan ni Estrada at iba pang opisyal ng lungsod.

Dumalo din sa aktibidad ang mga miyembro ng Chinese Community at si Chinese Consul General Qui Jian.

Sa Quirino Grandstand ginawa ang pag-aalay ng panalangin kung saan din mismo naganap ang hostage taking sa mga turista limang taon na ang nakararaan na ikinasawi ng anim na Hong King nationals.

Sa nasabing aktibidad, iginiit ni Estrada na patuloy ang pagpapatupad ng polisiya sa Maynila para gawing prayoridad ang pagpapanatili ng kapayapaan sa lungsod.

Tiniyak ni Estrada na hindi na mauulit pa ang hostage crisis sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Sakali aniyang magkaroon ng kahalintulad na insidente, sinabi ni Estrada na magiging mabilis ang lokal na pamahalaan at ang Manila Police District (MPD) sa pagkilos at pagpapasya para malutas ito ng payapa./ Ruel Perez

Read more...