TNT KaTropa, pasok na sa finals ng PBA Commissioner’s Cup

Natalo ng TNT ang Ginebra sa score na 122-109 para tuluyang makapasok sa finals ng PBA Commissioner’s Cup Saturday sa Cuneta Astrodome.

Nanguna si Jayson Castro sa kanyang koponan na nakapagtala ng 38 points, 7 rebounds at 11 assists.

Makakalaban ng KaTropa ang San Miguel sa darating na Miyerkules para sa finals ng naturang torneo.

Ayon kay TNT Head Coach Nash Racela, na kasama nila ang Diyos sa kanilang naging laban.

Dagdag pa niya, na ang kanilang composure at pagiging focus ang nakatulong sa kanilang upang manalo.

Read more...