Keanu Reeves, may cameo sa spin-off series ng kanyang pelikulang ‘John Wick’

Magkakaroon ng cameo appearance sa ilang episode ng spin-off TV series ng kanyang pelikulang ‘John Wick’ si Keanu Reeves.

Ang naturang spin-off TV series ay may pamagat “The Continental”, ang siyang sasagot sa tanong kung saan nagmula ang karakter ni Keanu Reeves.

Inaatabanyan ngayon ng mga fans ang pinagmulang istorya ng karakter na ginagampanan ni Reeves.

Kasalukuyang binubuo na ng Lionsgate Entertainment at ng “John Wick: Chapter 2” Director na si Chad Stahelski ang inaabangang prequel sa telebisyon.

Kinumpirma rin ni Stahelski na kanila ng ginagawa ang script para sa John Wick 3 ngunit wala pang posibleng air date.

Read more...