Isa na namang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang nakatakdang ipatupad ng mga oil companies sa papasok na linggo.
Sinabi ng ilang insider sa oil industry na posibleng umabot sa P0.75 kada litro ang kaltas sa presyo ng gasolina.
Aabot naman sa P0.10 lamang bawat litro ang magiging kaltas sa halaga ng diesel samantalang P0.20 naman sa kerosene o gaas.
Sa paunang pahayag mula sa Department of Energy ay kanilang sinabi na patuloy pa rin ang pagbaba ng presyo ng ilang oil products sa world market.
Inaasahan na sa Martes ipatutupad ang rollback na siyang ikatlo sa nakalipas na ilang linggo.
MOST READ
LATEST STORIES