(UPDATED) 6 patay, makaraang araruhin ng trak sa Taytay, Rizal

Photo: Chona Yu

(UPDATED) VPatay ang anim katao kabilang ang isang  taong gulang na bata habang nasa 15 ang sugatan nang araruhin ng isang container truck ang hilera ng mga tindahan at tricycle sa Taytay, Rizal.

Nawalan umano ng kontrol ang 10-wheeler truck sa pababang bahagi ng Cabrera Road, Brgy. Dolores Tikling, Taytay, Rizal. umaga ng Sabado.

Sa inisyal na ulat, iniwasan ng truck ang dalawang tricycle kaya kinabig ng driver nito ang manibela at bumangga sa isang puno bago inararo ang nasa walong tricycle na nakaparada sa kalsada.

Karamihan sa mga namatay na biktima ay hinugot mula sa ilalim ng nasabing truck.

Ayon kay Supt. Samuel Delorino, Chief of Police ng Taytay PNP nakilala ang mga nasawi na sina:

1. Luiz Bustamante, 59 years old
2. Maria Remedios Apejas, 16 years old
3. Rolando Ricafort, 47 years old
4. Teresita Bonaobra, 64 years old
5. Mary Gimpis, 33 years old
6. Princess Gimpis, 1 year old

Sa paunang imbestigasyon ng PNP, nawalan ng preno ang trailer truck na minamaneho si John Paul Teston, 22 anyos, dahilan para araruhin ang walong tricycle at tatlong tindahan.

Bukod sa anim na nasawi labing limang iba pa ang nasugatan.

Ayon kay Delorino, patong patong na kaso ang kakaharapin ng driver ng truck, reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple frustrated homicide, at multiple damage to property.

 

Photo: Chona Yu

Read more...