Gagawin ang pamamahagi ng persa sa June 23 at 24 sa mga pamilyang nananatili sa mga evacuation centers at sa mga piniling pansamantalang makituloy sa mga kamag-anak at kaibigan.
Sa talaan ng DSWD, aabot sa 69,000 na pamilya ang apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Ayon sa DSWD, ang isang libong pisong cash assistance ay alinsunod na rin sa suwestiyon ng ilang opisyal ng Lanao del Sur para may maipambili ng pagkain ang mga apektadong pamilya pagtatapos ng Ramadan sa June 26.
Ang nasabing halaga ay bukod pa sa mga relief goods na tinatanggap ng mga ito sa bawat araw na pananatili nila sa mga evacuation centers sa labas ng Marawi City.