Gayunman, sinabi ni Belmonte na ang malaking tanong ay kung mayroong TV network na papayag na mag-broadcast ng live sa mga kaganapan sa Kamara.
Ani Belmonte, hindi na kailangan pa ng batas para magawa ang panukala dahil malaya naman ang anumang TV network na magset up sa plenaryo at i-broadcast ng live ang mga sesyon.
Sa katunayan aniya, mayroong live broadcast ng plenary sessions noon, kaya nakikita kung sinu-sinong mga kongresista ang masipag sa trabaho, maging ang mga natutulog lamang.
Nauna nang ipinanakula ni Buhay PL Rep. Lito Atienza ang live broadcast ng mga sesyon at mga pagdinig, subalit bigo pa ring mailabas ang House Bill sa committee level.
Sa ilalim ng panukala, maaaring ilabas ang live broadcast ng mga plenary session at committee hearings sa People’s Television Network, bilang bahagi umano ng transparency sa kamara.
Solusyon daw ito sa problema sa quorum, dahil mahihiya na ang mga kongresista na panay absent.
Wawakasan din umano ng panukala ang nakasanayang pag-railroad sa mga panukalang batas sa 2nd at 3rd reading kahit walang quorum o hindi naisasalang sa mabusising debate./ Isa Avendaño-Umali