Henry Sy, nananatiling pinakamayaman sa Pilipinas batay sa 50 Richest List ng Forbes Magazine

FORBESAng mall magnate na si Henry Sy ang nananatiling pinakamayan sa Pilipinas batay sa latest issue ng ‘The Philippines 50 Richest List for 2015’ ng Forbes Magazine.

Ayon sa Forbes, si Sy ay mayroong net worth na $14.4 billion na tumaas pa mula sa $12.7 billion noong 2014.

Kabilang sa mga negosyo ni Sy na nakapagtala ng pagtaas ng kita ang kaniyang SM Investments at SM Prime Holdings.

Narito ang top 10 na pinakamayayamang pinoy base sa kanilang kasalukuyang net worth ayon sa Forbes;

1. Henry Sy – $14.4 billion

2. John Gokongwei Jr – $5.5 billion

3. Andrew Tan – $4.5 billion

4. Lucio Tan – $4.3 billion

5. Enrique Razon Jr – $4.1 billion

6. George Ty – $4 billion

7. Aboitiz family – $3.6 billion

8. Jaime Augusto Zobel de Ayala – $3.5 billion

9. David Consunji – $3.2 billion

10. Tony Tan Caktiong – $2.2 billion

Naitala namang pinakabata na napasama sa Top 50 list si Edgar Sia II na mayroong $390 million sa edad na 38. Si Sia ang founder ng Mang Inasal na kalaunan ay ibinenta niya sa Jollibee Foods Corp. / Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon

Read more...