Mas mababa ito kumpara sa 772 kaso na naitala noong April 2016.
Kaugnay nito, 84 dito ang naging Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Umabot naman sa 17 ang namatay kaugnay ng AIDS ang naitala sa kaparehong buwan.
Nasa 95 porsiyento o 596 dito ang lalaki habang 33 ang babae kung saan mayorya dito ang mula sa Metro Manila na sana 234 na sinundan ng 109 sa CALABARZON at Central Visayas sa 71.
Nanatiling ang sexual contact ang nangungunang kaso ng HIV transmission kung saan nasa 343 dito ang kaso ng lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.
MOST READ
LATEST STORIES