Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na nasa 3,882 mula sa 11,176 na kumuha ng pagsusulit ang pasado sa Nurse Licensure Examination na ibinigay ng Board of Nursing sa mga lungsod ng Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Ang mga miyembro ng Board of Nursing na nagbigay ng licensure examination ay sina Carmelita C. Divinagracia, Officer-In-Charge at Gloria B. Arcos, Carfredda P. Dumlao, Glenda S. Arquiza, Florence C. Cawaon at Cora A. Añonuevo na pawang mga miyembro.
Ayon sa PRC, ang mga top performing schools sa nasabing exam ay ang Xavier University, West Visayas State University-La Paz, Bicol University-Legazpi, University of Pangasinan at Ateneo De Zamboanga.
Kaugnay nito, top notcher sa pagsusulit si Mary Angeline Cardente Cabañez ng West Visayas State University-La Paz na maya rating na 86.20 percent.
Nasa ikalawang pwesto naman sina Nona Casey Dela Serna Baring ng Cebu Normal University (Cebu State Collge) at Piny Elleine Soriano Cesar ng Saint Paul University-Tuguegarao na pawang may rating na 85.20 percent.