Ayon sa abiso ng DOTr, layon ng nasabing programa na gawing mas ligtas, maginhawa, mabilis at kumportable ang pagbiyahe ng mga pasahero.
Mariin naman itong tinututulan ng mga tsuper ng jeep dahil sa ilalim anila ng programa ay magpapatupad ng phase out sa mga luma nang jeep.
Dahil dito, nagbanta ang grupong PISTON na magsasagawa ng malaking kilos protesta sa Lunes kasabay ng launching.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo, sa sandaling maisakatuparan na ang nasabing modernization program ay mabibigyang-daan din ang pagphase-out sa mga jeep na edad 15 pataas.
Nangangahulugan aniya ito ng pagpatay sa sa hanapbuhay ng libu-libong tsuper sa bansa.
Inalmahan din ng PISTON ang pagkontrol anila ng mga pribadong kumpanya sa pampublikong sasakyan.