Lolo, sugatan sa sunog sa Maynila

Kuha ni Jomar Piquero

Isang lolo ang nasugatan sa sunog na tumupok sa isang dalawang palapag na bahay sa Calvin corner A. Linao Streets, Malate Maynila.

Sugat sa ulo ang tinamo ng biktimang si Dominador Consul na nakatira sa nasunog na bahay.

Pag-aari ni Rose Consul ang bahay na tinupok ng apoy.

Nagsimula ang sunog sa kwarto sa unang palapag ng bahay dakong alas 9:41 ng umaga ng Biyernes (June 16).

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na idineklarang fire under control alas 10:23.

Isa ring aso ang nasawi sa nasabing sunog.

Inaalam pa naman ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang pinsalang iniwan nito.

 

 

Read more...