Magkakasunod na pagyanig naitala sa South Cotabato, Batanes at Occidental Mindoro

Apat na magkakasunod na may kalakasang pagyanig ang naitala mula madaling araw kanina (Biyernes, June 16) sa South Cotabato, Batanes at Occidental Mindoro.

Sa abiso ng Phivolcs, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang T’boli, South Cotabato alas 2:07 ng madaling araw.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity 4 sa General Santos City bunsod ng nasabing pagyanig.

Alas 2:27 naman ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 3.8 na lindol ang Sabtang, Batanes.

Ayon sa Phivolcs naganap ang pagyanig sa 18 kilometers South ng baya ng Sabtang.

Naitala naman ang Intensity 3 sa Basco, Batanes bunsod ng nasabing lindol.

Alas 3:16 ng umaga naman nang yanigin ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro na agad nasundan ng magnitude 3.3 alas 3:24 sa nasabi ring bayan.

Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic ang origin ng apat na magkakasunod na lindol.

Read more...