Nasa 100 na mga bangkay, nakakalat sa Marawi City ayon sa mga residente

Nakakalat sa kalsada ang mga bangkay ng hindi bababa sa 100 katao sa mga pinangyarihan ng bakbakan sa Marawi City.

Ito’y bunsod ng mahigit tatlong linggo nang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at teroristang Maute group.

Ayon kay provincial crisis management committee spokesman Zia Alonto Adiong, mismong ang mga residenteng lumilikas mula sa Marawi ang nagsabi sa kanila tungkol dito.

Ayon aniya sa mga residente, nadaanan nila ang maraming bangkay sa kalsadang kanilang dinaanan habang paalis sa kanilang mga lugar sa Marawi.

Base sa talaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) aabot na sa 290 ang nasawi sa nagpapatuloy pa rin na kaguluhan sa Marawi City.

Kabilang dito ang 58 na sundalo at 26 na mga sibilyan, habang ang iba pa ay pawang mga galing sa panig ng mga terorista.

Read more...