Kaso ng dengue, bumaba

 

Bumaba ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na dengue sa unang limang buwan ng taong 2017.

Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH) kasabay ng paggunita sa ASEAN Dengue Day.

Batay sa datos ng DOH, nasa 35,973 na kaso ng dengue ang naitala ng Kagawaran sa pagitan ng January hanggang May 20.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay mula sa Central Visayas na nakapagtala ng 15.5%, Central Luzon, 13% National Capital Region, 12.2% at SOCCSARGEN, 11.1%.

May naitala ring 207 kaso ng pagkamatay sanhi ng naturang karamdaman na nakukuha mula sa kagat ng lamok.

Gayunman, ito ay mas mababa ng 31.8 percent kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na nakapagtala ng 52,780 dengue cases.

Sa kabila ng pagbaba ng dengue cases, pinaalalahanan ni DOH Secretary Paulyn Ubial ang publiko na panatilihing malinis ang kanilang mga paligid upang hindi na kumalat pa ang lamok na nagdadala ng dengue virus.

Read more...