Ex-Sen. Bong Revilla, muling humiling na makabisita sa maysakit na ama

 

File photo

Muling hiniling ni dating senador Ramon Bong Revilla sa 1st Division ng Sandiganbayan na makalabas ng piitan upang madalaw ang amang nasa ospital.

Base apat na pahinang mosyon ni Revilla hiniling nito na payagan siyang bisitahin ang amang si dating senador Ramon Revilla Sr. sa Lunes, Hunyo 19 mula alas 6 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali at sa Martes, Hunyo 20 mula alas 2 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.

Sinabi ni Revilla na naka confine ang kanyang ama na 90 taong gulang sa St. Lukes Medical Center sa BGC , Taguig dahil sa sakit sa puso at sasailalim din ito sa operasyon.

Paliwanag ni Revilla, nais niyang puntahan ang ama bago ang operasyon nito upang magbigay ng lakas ng loob dito kapag nakita ang kanyang mga anak.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay sa pork barrel scam kung saan kapwa akusado niya si Janet Napoles at kasalukuyang nakapiit sa PNP custodial center sa kampo Krame.

Read more...