7 patay, 59 sugatan sa pagsabog sa kindergarten school sa China

 

Isang pagsabog ang yumanig sa isang kindergarten sa eastern China kahapon, na kimitil sa buhay ng pito katao at ikinasugat naman ng 59 na iba pa.

Naganap ang pagsabog malapit sa isang nursery ayon sa Fengzian government ng Jiangsu.

Ayon sa ulat ng China Central Television, dalawa ang namatay sa mismong pinangyarihan ng pagsabog, habang lima sa kanila ang nadala pa sa ospital ang lima ngunit ay nasawi din.

Isang cellphone video naman na ibinahagi sa website ng People’s Daily, makikita ang mahigit isang dosenang taong nakahandusay sa harap ng gate ng kindergarten.

Sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung aksidente ang nangyaring pagsabog o sinadya.

Gayunman, ilan sa mga saksi sa insidente ang nagsasabing nagmula ang pagsabog sa isang LPG tank na gamit ng isa sa mga tindahan sa harapan ng naturang paaralan.

Read more...