Pokwang, buntis sa edad na 46

 

FB/Marietta Subong

Matapos makunan o makaranas ng miscarriage, nagdadalang-tao muli ang komedyanteng si Pokwang.

Masayang kinumpirma ito sa isang Facebook status ng manager at matalik na kaibigan ng komedyante na si Ogie Diaz.

Ito ang kauna-unahang magiging anak ni Pokwang sa Amerikanong aktor na si Lee ‘O Brien.

Matatandaang taong 2015 nang isiwalat ni Pokwang ang relasyon nito sa dayuhang kasintahan.

Ngunit makalipas ang ilang buwan, ibinahagi niya rin ang masalimuot na pinagdaanang miscarriage.

Ito na ang magiging pangatlong anak ni Pokwang, kasunod ng anak niya sa dati niyang karelasyon na isang performer na nakabase sa Japan.

Maagang pumanaw ang panganay na anak ni Pokwang na si Shin sa edad na 5 taong gulang dahil sa brain cancer, at ang pangalawa naman niyang anak na si Ria Mae ang lagi niyang kasama ngayon.

Read more...