NBI, iimbestigahan ang pagkawala ng 4 Indonesian Navy officers sa Sulawesi Sea

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pagkawala ng apat na Indonesian Navy officers sa Sulawesi Sea noong December 14 ng nakaraang taon.

Ayon kay Aguirrre, kaduda-duda ang pagkawala ng apat na dayuhan.

Nabatid na inaresto ng Indonesian navy ang mga Filipino crewmember ng FB Nurhana dahil sa panghihimasok sa international water sa North Sulawesi.

Habang hinahatak ng indonesian navy ang barko ng mga pinoy patungo sa Talaud Islands sa Indonesia biglang nasunog ang barko at nalunod ng bangka ng mga pinoy kung saan sakay ang apat na dayuhan.

Nabatid na namataan ang kapitan ng Gishing boat at dalawang crew na mga pinoy sa General Santos City.

Read more...