Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung kinakailangan ay hindi muna sila magtatakda ng deadline habang hindi pa tuluyang nako control ng Armed Forces of the Philippines ang sitwasyon sa nasabing lugar.
Ipinagtanggol din naman ng lider ng Kamara ang pangulo na handa si Duterte na balewalin ang Korte Suprema sa sandaling salungat sa Martial Law declaration sa mindanao sa pamamagitan ng pagpilit sa Kongreso na magsagawa ng joint session.|
Ito ayon sa pinuno ng kamara ay dahil wala namang mandato na nakasaad sa saligang batas na kailangan makinig ang pangulo sa Kongreso kapag gagawa ng desisyon tulad ng pagdedeklara ng batas militar.
Nakatakdang magtapos ang 60-day martial law declaration ng pangulong Duterte sa Hulyo 22 matapos itong ideklara noong gabi ng Mayo 23.