Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles, nagsumite siya ng liham sa tanggapan ni Transportation Secretary Arthur Tugade para igiit ang pagkansela sa kontrata nito sa BURI at pagsasagawa ng public bidding para sa bagong maintenance contract.
Sinabi ni Nograles nakasaad sa kanyang liham ang mga iregularidad sa joint venture na pinasok ng gobyerno na nagkakahalaga ng P3.8 bilyon.
Iginiit nito na mas mabilis pa ngayon ang takbo ng karo ng patay at mas ligtas pang sakyan dahil sa bagal na takbo ng MRT na nagdudulot pa ng mahabang pila sa mga istasyon.
|
Isinisi rin ng kongresista sa nakaraang administrasyon ang nararanasan ng commuters sa MRT dahil sa panay kuha ng mga palpak na maintenance provider.
Ang hakbang ay ginawa ng mambabatas matapos gawing labinlima ang mga operational na tren mula sa dalawampu at ibaba sa 20 KPH ang takbo nito.