Halaga ng mga pinsala sa Marawi City, hindi pa tukoy ng gobyerno

Hindi pa tukoy ng pamahalaan ang halaga ng mga pinsalang nilikha ng nagpapatuloy na krisis sa Maraw City, bunsod ng pag-atake ng Maute terror group.

Sa briefing sa Malakanyang, inamin ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na maaaring umabot ng dalawang linggo ang gagawing assessment sa siyudad.

Subalit bago pa man maisagawa ang assessment efforts, sinabi ni Jalad na kailangang matapos muna ang clearing operations sa Marawi City.

Sa oras na matapos ang trabaho ng idedeploy na rapid damage at needs assessment teams ay isusunod sa lalong madaling panahon ang pagtupad sa recovery plan.

Pagtitiyak naman ng opisyal, may ikinakasa nang rehabilitation program ang pamahalaan upang makabangon ang lugar na matinding nasira dahil sa bakbakan.

Sa ngayon, ani Jalad, nakatuon ang pansin ng mga kinaukulang ahensya ng gobyerno sa response efforts hangga’t hindi pa natatapos ang gulo sa Marawi City.

Read more...