Tunay na kalusugan ni Pang. Duterte, dapat ipaliwanag – oposisyon sa Kamara

Nais ngayon ng mga kongresista mula sa oposisyon na maglabas ng dagdag na paliwanag sa Palasyo kaugnay sa tunay na sitwasyon ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi sanay ang publiko na wala ang pangulo sa mahahalagang okasyon ng bansa lalo na ngayon na nahaharap pa rin sa krisis ang bansa dahil sa kaguluhan sa Marawi City.

Sigurado aniyang hindi nakukuntento ang taumbayan sa paliwanag na nagpapahinga lamang ang pangulo.

Karapatan aniya na malaman ng publiko ang tunay na sitwasyon ng kalusugan ng presidente at hindi ito dapat itinatago dahil hindi naman ito banta sa national security.

Kinatigan naman ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat at iginiit ang transparency sa kalusugan ng Pangulo.

Kung walang impormasyon na ilalabas ang Malacañang ay magpapatuloy lamang aniya ang mga spekulasyon.

Ang pahayag ay ginawa ng mga mambabatas matapos na hindi dumalo ang pangulo noong Lunes, Independence Day at idinadahilan lamang na kailangan nitong magpahinga.

Read more...