Planong maghain nang panukalang batas sa senado si Senador Joel Villanueva na magpaparusa sa lilikha at magpapakalat ng pekeng balita.
Sa panayam kay Sen. Villanueva, sinabi nito na dapat magkaroon nang accountability sa ipinakakalat na balita lalo at nagiging talamak na umano ito sa social media.
Sa ilalim ng ihahaing panukala, papatawan nang mas mabigat na kaparusahan ang mga opisyal ng pamahalaan at mga institusyon na matatagpuang guilty sa pagpapalaganap ng fake news.
Paliwanag ni Villanueva, dapat mas maging maingat ang mga opisyal lalo ng pamahalaan sa paglalabas nang balita dahil na rin sa matinding epekto nito sa publiko.
Sa ilalim ng panukala, hindi bababa sa anim na taong pagkakulong at multa depende sa kaso ang panukalang parusa sa mga pasaway na opisyal, indibidwal, at mga institusyon na matatagpuang guilty sa pagpapakalat ng fake news.