Lola, patay sa sunog sa QC

Isa ang nasawi sa sunog na naganap sa Scout Fuentebella sa Barangay Laging Handa sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 2:57 ng madaling araw na tumupok sa dalawang bahay.

Ayon kay Quezon City Fire Marshall S/Supt. Manuel Manuel, ang 80-anyos na lola na si Ginang Juanita Castuciano ay natagpuang wala nang buhay sa kusnina ng bahay.

Umabot lamang sa 2nd alarm ang sunog at pasado alas 4:00 ng umaga nang tuluyang maapula ang apoy.

Nagsimula ang sunog sa number 48 sa Barangay Laging Handa at nadamay ang katabing bahay sa number 46.

Nasunog din ang isang van na nakaparada sa lugar.

Tinatayang nasa P1 milyong piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 


 

 

Read more...