Sa ikalawang araw ng oral arguments sa constitutionality ng martial law declaration sa Korte Suprema, sinabi ni Associate Justice Mariano Del Castillo na nakakabahala ang posiblidad dahil posibleng lumakas ang loob ng pangulo na tuluyang ideklara ang martial sa buong Pilipinas.
Ito’y dahil sa nagawa na ng pangulo na magdeklara ng batas-militar sa Mindanao.
Sinang-ayunan rin ni Del Castillo ang naging posisyon nina Associate Justice Marvic Leonen at Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi naman apektado ng terror threat ang kabuuan ng Mindanao.
Kinwestyon rin ng ilang Mahistrado ang mga kinatawan ng gobyerno sa pangunguna ni Solicitor General Jose Calida kung sapat ang batayan na ginamit ng pangulo upang ipatupad ang martial law sa buong rehiyon.
Tumagal ang ikalawang araw ng oral arguments ng pitong oras.