Isang brand ng bigas sa Marawi, umaabot sa higit P5,000 ang halaga

 

Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroon ngang isang klase ng commercial well-milled na bigas ang ibinebenta ng mahigit P5,000 kada sako sa Marawi City.

Ayon kay Ferdinand Monfeste na officer in charge ng Fair Trade and Enforcement Bureau ng DTI, ang brand ng bigas na “Happy Meal Well-Milled Rice” ay ibinebenta sa Marawi sa halagang P5,600 kada sako na may bigat na 25 kilo.

Base naman aniya sa isang report ng DTI noong June 5, isang 50-kilogram na sako ng parehong brand ng bigas ay ibinebenta rin sa parehong halaga.

Gayunman, wala naman aniya silang natanggap na mga ulat na ibinebenta sa mga tindahan ang naturang produkto sa ibang bahagi ng Mindanao.

Mayroon pa rin naman anilang ibinebentang bigas sa Marawi City sa mas murang halaga, na ang pinakamataas na inaabot ay hanggang sa P50 kada kilo.

Matatandaang nagpatupad ng price freeze ang pamahalaan sa mga pangunahing bilihin matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao.

Read more...