Unclaimed na mga bangkay ng sibilyang nasawi sa Marawi, ililibing na

Ngayong araw na nakatakdang ilibing ang ang bangkay ng mga sibilyang nadamay, naipit at nasawi sa bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at mga terorista sa Marawi City.

Kabuuang 20 bangkay na ang dinala sa Capin Funerla Homes sa Iligan City mula pa noong May 23.

Ayon sa may-ari ng punerarya na si Danilo Capin, kabilang sa mga bangkay na wala pang kumukuha ay tatlong babae at isang batang babae.

Magkakahiwalay na ililibing mamaya sa Dalipuga Cemetery ang mga bangkay dahil nabubulok na aniya ang mga ito at hindi na makikilala pa.

Nakakuha naman na ng DNA samples ang mga pulis upang makatulong sa mga posibleng maghahanap sa mga ito.

Sasagutin naman ng Crisis Management Committee ang mga gagastusin para sa libing.

Read more...