Isang eskwelahan sa Marilao, Bulacan, nakatanggap ng bomb scare

Binulabog ng bomb scare Miyerkules ng umaga ang AFG Bernardino Memorial Trade School sa Marilao, Bulacan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PO1 Ferdie de Luna, desk officer ng Marilao police station, nakatanggap ng text message ang head teacher ng naturang eskwelahan.

Nakasaad sa text na mayroon umanong bomba sa lugar.

Agad na tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga guro para ipagbigay alam ang insidente.

Ayon kay De Luna, agad na nagpadala ng bomb squad ang Marilao Police at sa kanilang paggalugad sa paaralan ay negatibo sa bomba ang lugar.

 

Read more...