Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kinasuhan si Farhana Maute, dating Marawi City Mayor Fajad Salic at siyam na iba pa sa Misamis Oriental Regional Trial Court.
Kinasuhan din sina Sumaya Bangkit Masakal, Radiea Tugosa Asire, Mariam Ibnu Abubakar, Zafeerah Rosales Musa, Nehreen Macaraya Abdul, Nora Moctar Limgas, Mardiyya Haji Ali, Sumayya Lawi Ali, at Noronisa Haji Camal.
Hindi pa alam ni Aguirre kung kaninong hukom na-raffle ang kaso.
Nagsampa ng kaso ang DOJ prosecutors matapos makitaan ng probable cause na ang mga akusado ay nakipagsabwatan sa ISIS-inspired Maute group sa pagsasagawa ng rebelyon laban sa gobyerno.