P360-M halaga ng shabu, nasabat sa Las Piñas

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Tinatayang aabot sa 360 milyong pesos ang halaga ng nakumpiskang shabu ng pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group at PDEA RO-3 sa isang warehouse sa Tiongquiao St. BF Martinville Subd. Brgy. Manuyo, Las Pinas City.

Ayong kay PNP Dir. General Ronald Dela Rosa, aabot sa 72 pakete ng may tig-isang kilong bigat ng hinihinalang shabu ang nakuha nila sa warehouse ang nakalagay sa styrofoam box na tinatakpan ng mga pinatuyong isda at mangga.

Nakuha din ng mga otoridad ang isang uri ng makina na pinaglagyan umano ng shabu para maipuslit sa papasok ng bansa.

Wala naman nang naabutang tao sa nasabing warehouse.

Nabisto ang nasabing warehouse na naglalaman ng shabu ng ituro ng isang drug transporter na una ng nahuli ng PNP na si Cheng Teho Chand na miyembro ng LEE drug syndicates.

Si Chan ay una ng nahulihan ng shabu sa nauna nilang operation laban sa sindikato ng droga.

Sa kabuuan aabot na sa 125 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 625 milyong piso ang nakumpiska ng mga otoridad sa LEE drug syndicates.

Read more...