Ito ang binitiwang pananaw ni Supreme Court Justice Teresita Leonardo-De Castro sa unang araw ng oral arguments kahapon sa petisyon na kumukuwestyon sa legalidad ng martial law sa Mindanao.
Paliwanag ni De Castro, may ilang pagkakataon na nagagamit ang terorismo upang isulong ang motibong pulitikal ng isang grupo.
Naniniwala ang Mahistrado na posibleng hindi lamang panggugulo at paghahasik ng lagim ang motibo ng mga terorista sa Marawi City at sa halip, posibleng may kinalaman ito sa tangkang pagpapabagsak ng kasalukuyang administrasyon.
At kung may motibong-pulitikal aniya ang hakbang ng Maute group, ay maari itong pumasok sa kategorya ng rebelyon, dagdag pa ng Mahistrado.
Una nang sinabi ng pamahalaan na rebelyon ang ang isa sa mga dahilan kaya’t idineklara ang martial law sa kabuuan ng Mindanao region.
Gayunman, naniniwala ang isa sa mga counsel ng petitioners na kumukuwestyon sa constitutionality ng martial law na dapat ay ‘last resort’ na lamang ito sa pagresolba ng anumang krisis.
Naniniwala ang abogado ng petitioner na kaya pa rin ng sundalo at pulis na tapusin ang krisis sa Marawi kahit walang martial law declaration.