Ang reaksyon ng Malacañang ay bilang tugon sa inilabas na audio message ng nagpapakilalang tagapagsalita ng IS na nananawagan sa kanilang mga kapanalig na sumalakay sa mga bansang Amerika, Europe, Russia, Australia, Iraq, Syria Iran at Pilipinas sa panahon ng Ramadan.
Ayon kay Abella, kanilang kinukunsidera ang naturang mensahe at gagawa ng mga kaukulang hakbang upang mapigilan ito at ang panggugulo ng Maute group sa Marawi City.
Hindi aniya titigil ang pamahalaan at ang mga sundalo hangga’t hindi natatapos ang sitwasyon sa Marawi, giit pa ni Abella.
Sa kasalukuyan, nasa 58 sundalo na pulis na ang nasasawi sa bakabakan sa lungsod.
Sa mga sibilyan, nasa 26 naman ang napapatay ng kalaban.