Al-Baghdadi na lider ng IS, nagtatago na

 

Mula sa pagiging “caliph,” isa nang pugante ngayon ang lider ng Islamic State group na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Sa ngayon ay nasa bingit na ng pagkawala sa kaniyang mga kamay ang dalawa sa mga pangunahin niyang “caliphates.” Ito ang Mosul sa Iraq at Raqqa sa Syria.

Dahil malapit nang mabawi mula sa Islamic State fighters ang Mosul at Raqqa, umiiwas dito si al-Baghdadi at nagtatago milya-milya ang layo sa mga nasabing lugar.

Tiwala si Lahur Talabany na pinuno ng counter-terrorism ng Kurdistan Regional Government na Kurdish autonomous region sa Iraq, na sa huli, kung hindi man mahuhuli si al-Baghdadi ay malamang na mapapatay ito.

Gayunman, aminado si Talabany na bagman nagtatago na at tumatakas na si al-Baghdadi ngayon, posibleng abutin pa ng ilang taon bago siya tuluyang mapasakamay ng mga otoridad.

Sa ngayon ay may patong na sa ulo si al-Baghdadi na halagang $25 million mula sa US Department of State Counter-Terrorism Rewards Program.

Read more...