Ayon sa ilang opisyal, nauna nang sinabihan ang mga residente na lumikas na matapos madiskubre ang ilang mga bitak sa gusali.
Marami aniya ang nailikas pero pinangangambahan na hindi bababa sa labinlima ang na-trap o nadaganan ng bahagi ng gusali na gumuho.
Sinabi naman ni Nairobi County police commander Japheth Koome na nagpadala na ng specialized team ang Kenya Defence Forces sa lugar para tumulong sa rescue operations.
Bukod sa mga nawawala, wala pang naiuulat na nasugatan o nasawi sa insidente na naganap, gabi ng Lunes.
Matatandaang noong nakaraang taon, isang gusali ang gumuho din dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, na ikinasawi ng apatnapu’t siyam na indibiduwal.