Ito ay sa kabila nang mga gastusin ng pamahalaan, mga nakatenggang pang eksport, at kasalukuyang kondisyon ng pandaigdigang merkado.
Nakaaapekto din umano ang unti-unting pagbagsak ng ekonomiya ng bansang China, na kamakailan lamang ay nakapagbago sa pinansyal na kalagayan ng mga bansa.
Ayon sa Reuters poll, inaasahang tataas ang Gross Domestic Product ng bansa ng 2.0 porsyento sa ikalawang kwarter ng taon, kumpara sa nakaraang unang tatlong buwan.
Bumaba naman ang GDP ng bansa ng 0.3 noong Marso, na naitalang pinakamababa sa loob ng anim na taon.
Noong nakaraang Huwebes, bahagyang umangat ng 5.6 porsyento ang kita ng bansa, kumpara sa 5.0 porsyento lamang sa unang bahagi ng taon, na siyang nagpausad sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya na may mabagal na pagunlad sa ekonomiya.
Matagumpay din na kahit papaano’y nabawasan ang mga gastusin ng gobyerno nitong nakaraang taon, na siyang nagbigay ng 12 porsyento kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa ilang mga eksperto, ang malakas na pagkonsumo ng mga lokal na produkto ay nakatulong upang mapakinabangan ang mga hilaw na produkto.
Ngunit, nakaaapekto din sa kasalukuyang kondisyon ng bansa ang kalagayan ng China na kamakailan ay humina.
Idinagdag pa ng ilang financial analysts na malaki ang naging banta sa ekonomiya ng Pilipinas, ang mga matitinding pagbabagong nagaganap sa pandaigdigang merkado.
Umakyat ang Pilipinas ng isang hakbang, mula sa pangatlong pinakamalaking export market sa Asya, hanggang sa pangalawa, nang maganap ang hindi inaasahang pagbagsak nito.
Ayon kay Eugenia Victorino, isang ekonomista sa ANZ bank sa Singapore, ang kakayahang manguna ng bansa ay nauudlot dahil sa kasalukuyang imprastrukturang ginagamit.
Naniniwala naman ang pamahalaan na maaabot pa ing bansa ang 7 hanggang 8 porsyentong taas ng ekonomiya ngayong taon, ngunit nakikita ng ilang mga ekonomista na aabot lamang ito ng 6 na porsyento.
Sinabi naman ni Jose Mario Cuyegkeng, isang ekonomista, na marami pang magbabago, at marami pang maaaring gawin para sa programang piskal.
Dagdag pa niya, inaasahang magppatuloy ang ganitong mga pag unlad sa ekonomiya, hanggang sa unang kwarter ng taong 2016, kung saan tatama ang El Nino.
Naihayag naman sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang ikapitong pagpupulong ngayong buwan, na may mababang inflation, at malakas na domestic demand ang ekonomiya at lagay ng konsyumer.
Anila, gagawin nila ang lahat upang maiwasan ang inflation, at manatili nang lumakas ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
Inaasahan naman na sa Sept. 24 ang susunod na pagpupulong ukol sa polisiya./Stanley Gajete