Ito ay bahagi ng kampanya ukol sa pagsusulong ng kapayapaan.
Ayon sa senador na kasalukuyan ding pinuno ng Senate Committtee on local government, bagaman hindi muling napag-usapan ang ang ukol sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law, at ang kanilang grupo, kinakailangang isagawa ito upang makausad patungo sa inaasahang kapayapaan ng Maguindanao.
Aniya, hindi niya lubos na maisip ang libu libong armas parin ang sasalubong sa kanila sa nasabing komunidad, kaya ang pinakamainam na gawin ay sunugin o sirain ang mga armas na instrumento ng mga bandido.
Isinama ni Marcos sa probisyon sa Basic Law of the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR), mabibigyan ng kakayahan ang mga miyembro na maramdaman ang sakit na dulot ng mga beterano na.
Ang Independent Decommisioning Body ay bahagi ng isinusulong na BBL, na kung saan, may kapangyarihan ang mga opisyal nito na sirain ang mga armas para sa kaunlaran ng bansa.
Nitong nakaraang Hunyo, 75 na armas ang isinauli ng MILF, samantalang 145 naman ang isinuko.
Ang pagsasauli o turn over ng mga armas ang unang bahagi ng tinatwag na decommissioning program.
Ayon kay MILF chief negotiator Mohagher Iqbal, chief negotiator, isa sa pinakamahirap na bahagi ng peace process ay ang pagsasauli ng kanilang mga armas.
Ayon naman kay Government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer, lubos nilang ikinatuwa ang prosesong ito, at mananatiling maayos ito hangga’t di napuputol ang responsibilidad ng dalawang grupo; ang pamahalaan, at ang paaralan, para sa isa’t isa.
Ang susunod naman na bahagi ay magaganap, sakaling mapagtibay na ang isinusulong na BBL.
Inaasahang mas malakas ang balik ng mga armas, sakaling maisakatuparan na nga ito.
Ang BBL ay isinusulong upang palitan ang the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na siyang magbibigay ng garantiya na magkaroon ng sariling gobyerno ang kanilang mga grupo.
Nabuo ang ARMM noong 1996 matapos ang isinasagawang kasunduang pangkapayaan, kasama si Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari.
Isang paksyon naman, sa pangunguna ni Abul Khayr Alonto ang naganap, na ngayo’y humihingi ng apela sa pamahalaan, upang matuloy na ang pagpasa ng BBL.
Si Alonto naman ay isang founding letter ng MNLF, at vice chairman ng naunang MNLF Central Committee.
Inaasahan naman kay Alonto na magiging maayos din ang lahat patungo sa kapayapaan.
Humiwalay ang MILF sa MNLF noong 1977, at muling binuo ang grupo noong 1984./Stanley Gajete